*COD & Shipping Charges may apply on certain items.
Review final details at checkout.
₹150
All inclusive*
Qty:
1
About The Book
Description
Author
O upang higit na mapatingkad ang aral ng kasaysayan ang kabuluhan ng alaala para magabayan ang pagpapahalaga sa salimuot ng kasalukuyan. Ano nga ba ang nása ísip ni Pedro Calosa noon? Nagwalat sumalpok ang sangkawang tuksó nagsayaw ang dahon ng paaning tubó; lasa ng amihay pawang sa sang apdót sumundot sa ilong ang sunóg na butó. Natatangi ang pangwakas na larawang ito hindi lámang dahil sa may antas na tudlikan ang tugmaan sa naturang saknong. Nakagigimbal din ang atmospera ng sinusúnog (?) na tubuhan at nasusúnog ding katawan ng mga busabos na sakada-upang usisain pa natin ang Kolorum nang higit kaysa pekeng sasakyan ng poot. Sa tulong ng katutubong tugmat súkat ipinasasaliksik pa sa atin ng makata ang ating lumípas. - Virgilio S. Almario Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan