<span style=color: rgba(0 0 0 1)>Palagi akong namamangha sa taglay na ganda at liwanag ng buwan. Ano
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>man ang hugis o yugto nito; buo man kalahati gasuklay o nagsisimula
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>pa lamang. Kung maaari nga lang sana itong lapitan o hawakan
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>ay matagal ko nang ginawa. At malamang ay palagi kong gagawin.
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>Gusto kong maging buwan pangarap na alam kong hindi mangyayari
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>kailanman. Tulad ng buwan gusto kong maging maganda maliwanag
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>at hinahangaan. Ngunit alam ko na ito ay hanggang pangarap at
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>panaginip lang.
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>Subalit ang pangarap at imahinasyon palang ito ay posibleng maging
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>totoo sa pagdating ng isang tao. Para kang buwan ang ganda
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>kaso malayo. Mga kataga mula sa isang ginoo na di kalaunan ay
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>nagpakilalang araw sapagkat para sa kanya ay ako ang buwan. At ito
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>ang naging simula ng aming pagtatagpo at pagiging malapit sa isa't
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>isa. Sol at Luna ika nga. At ang tagpong ito ay tila ba naging espesyal
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>at hindi pangkaraniwan. Katulad na lamang ng minsang nangyayari
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>sa kalawakan na madalang lamang nating masaksihan. Isang Eklipse
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>kung tawagin ng siyensya. Ngunit hanggang saan nga ba hahantong
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>ang pagtatagpong ito ng isang buwan at ng araw? Tulad din kaya ito ng
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>Eklipse na panandalian lang? O magiging posible na ito ay maaaring
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>magsama ng matagal.
Piracy-free
Assured Quality
Secure Transactions
Delivery Options
Please enter pincode to check delivery time.
*COD & Shipping Charges may apply on certain items.