Nagtatalutalo ang mga teologo tungkol sa mga elementong bumubuo sa tao. Pinagtatalunan nila ang teoryang dichotomous at ang teoryang trichotomous. Sinasabi ng teoryang dichotomous na ang tao ay binubuo ng dalawang bahagi: ang espiritu at katawan samantala sa teoryang trichotomous naman sinasabing ito ay may tatlong bahagi: ang espiritu kaluluwa at katawan. Ang teoryang trichotomous ang basehan ng librong ito.Ang espiritu kaluluwa at katawan ay nasa kategoryang hindi maaaring maunawaan sa pamamagitan ng kaalaman karunungan at kapangyarihan ng tao. Ito ay ang kategoryang Diyos lang ang makakapagpaliwanag sa atin dahil Siya lang ang nakakabatid ng pinagmulan ng tao. Kapareho din ito ng computer - kung sino ang gumawa siya ang may propesyonal na kaalaman tungkol dito ang istruktura at lahat ng bagay tungkol dito. Kaya kapag nasira ito siya rin ang makakagawa ng solusyon para magawa ito. Ang librong ito ay puno ng espirituwal na kaalaman tungkol sa ikaapat na dimensyon na magbibigay sa atin ng maliwanag na sagot tungkol sa espiritu kaluluwa at katawan.
Piracy-free
Assured Quality
Secure Transactions
Delivery Options
Please enter pincode to check delivery time.
*COD & Shipping Charges may apply on certain items.