Hay Naku! Haiku: Ito ay kabuuan ng makasaysayan at kakaibang tula na nagbibigay ng magandang aral at asal sa sanlibutan sa araw-araw ng paghaharap ng hamon sa buhay.
*COD & Shipping Charges may apply on certain items.
Review final details at checkout.
₹860
₹915
6% OFF
Paperback
All inclusive*
Qty:
1
About The Book
Description
Author
Ito ay kabuuan ng makasaysayan at kakaibang tula na nagbibigay ng magandang aral at asal sa sanlibutan sa araw-araw ng paghaharap ng hamon sa buhay.Sa mundo ng tula ay nakakabit ang salitang makata . Nasa isip ng tao at ang palagay ng tao ay kapag ikaw ay mahilig gumawa ng tula ay isa ka nang makata. Ang makata ay isang taong malikhain matalino at may malayong pagtingin (view or insightful.) Sa madaling salita ay ang English ng makata ay poet. Ang isang tula ay hindi palaging may rhyme ang dulong salita ng bawat linya o magkasintunog ang mga huling salita. Maaari din na kahit hindi rhyme ay puwede rin ang free flow o free versena tinatawag.Sa pagkakataong ito ay mararanasan ninyo ang kakaibang tula. Ito ay nabanggit na sa Paunang Hiwatig.. May bilang ang tulang ito bukod sa makasaysayan ang kabuuan ng tula. Isa sa pinakaunang Haikuna aking ginawa ay may pamagat na Pasukan Na Nagkataon naman na panahon na naman ng pasukan. Sinundan ito ng tungkol sa Ina kaibigan at tungkol sa ibat-ibang uri ng hayop at meron ding tungkol sa kalikasan at marami pang iba.Hindi naman ako eksperto sa pagsasalita ng Tagalog pero laki akong Maynila at wala kaming probinsya at nakagisnan ko ang puro Tagalog na salita Ang pinakamahalaga sa aking pagsusulat ng haiku ay isinasapuso ko ang haiku at isinasaisip ko ang bawat lumabas sa aking bibig at may pag-iingat na hindi ako makasakit.Pinag-ukulan ko ng pansin ang kagandahan ng bawat salita. Ako ay nagpapasalamat sa malawak na kaalamnan na iginawad sa akin ng ating Panginoon. Ang sarap ng pakiramdam na maging isang Pilipino.