<p><span style=color: rgba(0 0 0 1)>Ang hulagway ay isang Cebuanong salita na nagmula sa hulad na nangangahulugang paglalarawan at dagway na ang ibig sabihin ay hitsura. Mas madalas ang ginagamit na Tagalog dito ay nagmula naman sa salitang Espanyol na imahen. Sa literatura ito ay ang pagsasalarawan ng panukalang kaisipan o damdamin sa isang akda; o ang larawang ikinintal lalo na sa tula; o ang larawan b��lang talinghaga. Samakatwid sa aklat na ito makikita ang hitsura o imahen ng buhay na nabigyan ng buo at malinaw na pagsasalarawan sa pamamagitan ng mga salitang maingat na pinili ng sumulat. Inilalarawan dito ang ibang kilalang emosyon positibo man o negatibo tulad ng pagkagiliw pagkamangha lungkot at panghihinayang. May pagpapahayag ng pagmamahal hindi lamang sa isang nililiyag kundi maging sa bansa wika at kalikasan. May pagbabalik-tanaw sa nakalipas may pagkilala sa kahalagahan ng isang guro at paglalarawan ng kasipagan mayroon ding pagpapayo at higit sa lahat pagpapahayag ng wagas na Pananampalataya. Sa kabuuan ang Hulagway ay isang aklat ng malayang paglalarawan ng buhay.</span></p><p></p>
Piracy-free
Assured Quality
Secure Transactions
Delivery Options
Please enter pincode to check delivery time.
*COD & Shipping Charges may apply on certain items.