Pwede bang magsama sa isang lalaki at babae sa isang bahay lamang? Hindi magkakilala magkaiba ang mundong ginagalawan magkaiba ng henerasyon pero dahil sa kay Destiny napilitang magsama sa iisang bubong.
Sa hindi maipapaliwanag na dahilan nagsalubong ang landas ni Winter at Summer. E kahit sa pangalan pa lang kontra-pelo na sila! Sinadya ba ito o nagkamali lang si Destiny?
Si Winter isang magaling na design artist. Kahit na sabihin mong approaching middle-age na siya wala pa rin sa bokabularyo niyang ang sallitang marriage. Rich boy glamour boy sosyal ang mundo at may girlfriend na confidently beautiful. Malayong-malayo sa mundong ginagalawan ni Summer isang working student na isang kahig isang tuka ang andar ng buhay. Kahit na mukhang goons ang boyfriend kapit-tuko pa rin siya dahil sa takot na maging old maid.
Pero eto si Destiny at pinagtagpo sila. Ito ba ay isang laro ni Haring Tadhana? Kaninong mundo ang magugulo?
Magkaroon kaya sila ng happy ending o mauuwi lang ang lahat... sa wala?