Kamahalmahal ka maramdaman mo sana ang pag-ibig na ako ang may akda.

Ang bawat pahina ay naglalaman ng pagsinta pag-ibig na ikaw-ako ang may akda.

Ang librong Kumikinang rin ang bituin sa pahina ay isang koleksyon ng tula prosa at lihim na pag-ibig na isinulat ng isang pusong lubos na nagmamahal-kahit sa katahimikan kahit pa minsa'y walang katiyakan. Dito isinasalaysay ang damdaming hindi mabigkas sa harap ng minamahal ngunit dumadaloy sa bawat taludtod at saknong: tahimik ngunit matapang; takot ngunit totoo.

Ang aklat na ito ay nahahati sa anim na yugto-mula sa pagkakatagpo sa masayang presensya sa sakit ng pagkawala sa damdaming biglang namulat hanggang sa mga kung sakali na bumubuo sa lahat ng hindi masabi. Ito ay alay para sa mga marunong maghintay sa mga napagod ngunit hindi sumuko at sa mga piniling magmahal kahit walang kasiguraduhan sa mga nagmamahal at minamahal.

Kung ika'y minsang naging lihim na tagahanga nagsulat ng mga tula sa gitna ng klase o tumitig sa taong mahal mo habang nagkukunwaring walang pagsinta-makikita mo ang sarili mo rito. Ito ay kwento ng bawat sana baka at kung sakali ngunit higit sa lahat ito'y kwento ng isang pusong buo ang loob kahit madalas ay hindi buo ang kasagutan. Sa mundong tila parating walang katiyakan hayaan mong ang mga pahinang ito'y maging tala mo sa gabi-maliit ngunit may kinang tahimik ngunit nagpapahalaga.

Kasi kahit sa pag-ibig na hindi naipahihiwatig kumikinang pa rin ang bituin sa pahina.

Piracy-free
Assured Quality
Secure Transactions
Delivery Options
Please enter pincode to check delivery time.
*COD & Shipping Charges may apply on certain items.