<span style=color: rgba(0 0 0 1)>Tunay nga na kapag tumitigas ang ulo ng isang bata kailangang 
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>dinidisiplina. Pero sa kaso ni Gisselle na dalaga na hindi niya 
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>matanggap na dinidisiplina siya ng isang pulis na hindi niya naman 
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>kilala. Ang nais niya lang naman ay magrebelde dahil sa sama ng 
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>loob niya sa sarili niyang ama na dating pulis. Naging party girl siya 
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>dahil sa mga barkada niya at sinasadyang magpa-late ng uwi upang 
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>inisin ang kaniyang ama. Pero ang hindi niya alam ay iyon na pala 
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>ang huling beses na magagawa niya ang mga bagay na 'yon. Nahuli 
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>siya ng mga pulis sa kalsada nang hating-gabi. Napatawan siya ng 
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>community service sa loob ng isang buwan. Naiinis siya sa tuwing 
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>nakikita niya si PCol. Carlos Joseph Guevarra na siyang chief. 
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>Tahimik lamang itong lalaki pero walang sinoman ang kayang 
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>bumali sa mga salita nito. Isang matino at disiplinadong pulis na 
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>magpapatino sa kaniyang rebeldeng pag-iisip. 
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>Lingid sa kaalaman ng dalaga may lihim palang interes sa kaniya 
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>ang single at treinta y tres anyos na pulis. Kaya naman pala 
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>kahit na anong gawin niya ay pinapansin agad nito at todo kung 
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>makaprotekta sa kaniya. Papaano niya kaya mapipigilan ang lalaki 
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>kung siya mismo ay hindi ito magawang mapaikot sa mga kamay 
<span style=color: rgba(0 0 0 1)>niya?
Piracy-free
Assured Quality
Secure Transactions
Delivery Options
Please enter pincode to check delivery time.
*COD & Shipping Charges may apply on certain items.