In A Galaxy So Far Away...

Do you still remember your childhood crush...na feeling mo at that time - s'ya na ang pinaka-lab mong tao sa buong mundo? Yung bang sasabihin sa iyo ng mga nakakatanda sa iyo Naku hindi totoo yan bata ka pa... puppy love lang 'yan. Pero hindi ka naniniwala sa kanila kasi para sa iyo totoong-totoo ito. Para sa iyo it's the real thing!

I'm sure in your younger days specially during your kiddie years - yung ika nga nila may gatas ka pa sa labi nagkaroon ka ng maraming-maraming crushes. Tanda mo pa ba kung sino-sino sila? Siya ba yung kapitbahay n'yo... o kaibigan ng kapatid mo... o yung nakakasabay mo lang pagbili ng kendi sa tindahan? Ang dami di ba? Pero I'm sure sa dinami-dami ng mga naging crush mo may isang pinaka-lab mo sa lahat. Na ang feeling mo your One and Only Love. S'ya yung nag-stand out among the rest... na hanggang ngayon ay naiisip mo pa. Up to now that someone holds a very special place in your heart. 'Yun bang naiisip mo... what if makita mo siya muli... what if you've met at the right time...and just like in fairy tales live happily ever after ang ending? (Sigh!) Ang sarap isipin ano? What if what if... paano nga kaya?

Can true love really stand the test of time? Ang Pers Lab mo ba ay p'wede ring maging your one and only true love?

Piracy-free
Assured Quality
Secure Transactions
Delivery Options
Please enter pincode to check delivery time.
*COD & Shipping Charges may apply on certain items.