Princess Tala & Prince Uncharming
Philippine Languages

Delivery Options
Please enter pincode to check delivery time.
*COD & Shipping Charges may apply on certain items.
Review final details at checkout.

LOOKING TO PLACE A BULK ORDER?CLICK HERE

About The Book

Sa bisa ng seremonya ni Avlam naipagkasundo si Tala na maging kabiyak ni Limuel. Sa ganitong paraan ay magiging taga tribu Mezati si Tala sa halip na taga Tribu Eskaya. Ito lang ang naisip na solusyon ni Mahalia para maprotektahan ang anak. Alam niyang sa oras na siya ay pumanaw magiging miserable ang buhay ni Tala sa piling ng sarili nitong ama. Sa pangangalaga nila Limuel na kanyang inaanak at Dalisay na kanyang matalik na kaibigan ay sigurado si Mahalia na magiging maayos ang buhay ni Tala sa kabila ng kanyang maagang pagkawala.

Labag man sa kalooban ay walang nagawa si Limuel kundi pumayag sa kasunduang namagitan sa kanila ni Tala. Kapalit ng desisyon ay ang pagkakaron ng pamilya niya ng maayos na buhay at katuparan ng kanyang mga pangarap.

Ang hindi nga lamang napaghandaan ng mga matatandang nanguna sa kasunduang ito ay ang matinding pagbabago sa buhay at kinabukasan ng mga kabataang apektado. Nasa mga kamay ni Tala kung papayag siyang matali sa isang seremonyang masyado pa siyang bata para pahintulutan o ipaglaban ang kanyang kalayaan kapalit ng mga pusong masusugatan. Simple lang naman ang gusto ni Tala ang mamuhay ng masaya. Kung may darating man na prinsepe sana ay yung totoong mamahalin siya. Ngunit mas malalim ang hiling ng kanyang ina na maging lubos ang biyaya kay Tala ng buong Maykapal na sinasamba nila.

Kakaiba nga lamang maglaro ang tadhana napakaraming pagsubok ang dapat pagdaanan ni Tala. Mula sa pagiging inosente hanggang maging ganap na dalaga kailangang umasa ni Tala sa pagmamahal at pananampalataya ng kanyang ina. Paano nga ba gumawa ng tamang desisyon? Dapat bang piliin niya si Bayani na obligasyon ang mahalin siya si Limuel na sa kapirasong papel nakasalalay ang kanilang pagsasama si Nimuel na nagsabing Torture sa akin ang makasama ka o si Rhailey na isang totoong prinsepeng sa fairy tale books lang mababasa?

Piracy-free
Piracy-free
Assured Quality
Assured Quality
Secure Transactions
Secure Transactions
Fast Delivery
Fast Delivery
Sustainably Printed
Sustainably Printed
downArrow

Details