Sa Bawat Tula May Ikaw
Filipino; Pilipino

Delivery Options
Please enter pincode to check delivery time.
*COD & Shipping Charges may apply on certain items.
Review final details at checkout.

LOOKING TO PLACE A BULK ORDER?CLICK HERE

About The Book

May mga damdaming hindi na kayang itipa sa simpleng salita-kaya't isinulat ko sila sa anyo ng tula.

Ito ang Sa Bawat Tula May 'Ikaw'-ang ikalawa kong aklat na isinilang mula sa katahimikan ng gabi sa mga sandaling ako'y kaharap ng mga alaala at ng mga salitang pilit kong tinatakasan ngunit laging bumabalik.

Ang mga tulang ito ay para sa mga pusong hindi lang minsang nasaktan kundi yaong piniling manatili-kahit wasak kahit walang kasiguraduhan. Sa bawat saknong ay may tanong may pagtatapat may kirot na hindi humupa. Sa bawat pahina may pag-amin: na minsan may isang 'ikaw' na naging kabuuan ng mundo ko.

Ito ay mga tulang isinulat hindi upang muling sariwain ang sakit kundi upang unti-unting yakapin ito. Sapagkat sa pagharap sa pighati natututo tayong huminga muli. Sa paglalantad ng ating kahinaan doon natin muling natutuklasan ang lakas.

Ako si John Rey A. Rodriguez-isang makatang piniling gawing tahanan ang mga salita. Sa aklat na ito hindi ko lamang ibinabahagi ang mga piraso ng puso ko kundi inaanyayahan kitang sumabay: dumaan sa mga alaala lumangoy sa gunita at kung kakayanin-bitawan kung ano ang kailangang bitawan.

Sapagkat sa bawat tula may bahagi ng sarili kong naiwan. At sa bawat tula may 'ikaw' pa ring hindi ko kayang kalimutan.

Piracy-free
Piracy-free
Assured Quality
Assured Quality
Secure Transactions
Secure Transactions
Fast Delivery
Fast Delivery
Sustainably Printed
Sustainably Printed
downArrow

Details