Sa Iyong Paghayo
Tagalog

About The Book

Kaya humayo kayo at gawing alagad... Mateo 28:19

Pero... busy ako. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Sino ang ididisipulo ko? Hindi ako naturuan. Hindi ako marunong. Nahihiya ako.

Gayunpaman... pinili ka ng Diyos at inutusan kang humayo at gumawa ng mga disipulo. Bakit? Kapag pinili mong sundin si Jesus ikaw ay naging Arko ng Bagong Tipan. Saan ka man magpunta siya ay kasama mo. Ang bawat hakbang na iyong gagawin ay nagiging banal na lupa dahil ang Banal na Espiritu ay nananahan sa iyo. Ikaw ay natatanging hinugis upang dalhin ang Banal na Espiritu palabas ng iglesya at sa mundo sa paligid mo na nagiging isang ilaw ng

pag-asa para sa mga taong nilayon ng Diyos na makatagpo sa pamamagitan mo. Ang Banal na naninirahan sa iyo ay ipinadala upang kanyang mahawakan at baguhin ang buhay ng mga indibidwal sa pamamagitan ng iyong pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang aklat na ito ay isang simple at epektibong gabay upang matulungan ka na muling ituon ang iyong pang-araw-araw na mga hakbang at ilipat ang iyong pag-iisip nasaan ka man o anuman ang iyong ginagawa tungo sa isang buhay na nakatuon sa pagpaparami ng pagiging disipulo. Nag-aalok ito ng malinaw at praktikal na paraan para sa mga indibidwal maliliit na grupo at mga simbahan na magtatag ng mga bagong komunidad ng mananampalataya at magparami ng mga disipulo sa loob ng kanilang mga kapitbahayan. Bigla na lang ang iyong pagka-kape sa umaga ay naging isang pagkakataon para sa ministeryo ang iyong paboritong koponan sa sports ay naging isang paraan ng outreach at ang iyong lugar ng trabaho tungo sa banal na lupa. Isipin na lang ang epekto kung ang lahat sa iyong iglesya ay aktibong gumagawa ng mga disipulo na gumagawa rin ng mga disipulo.

Ang aklat na ito ay para sa sinumang nagnanais na ihanda at bigyan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu at lumikha ng mga disipulo na kawangis ni Cristo sa kanilang pamilya mga kaibigan katrabaho at maging sa mga estranghero—saanman sila inilagay ng Diyos ngayon.

Piracy-free
Piracy-free
Assured Quality
Assured Quality
Secure Transactions
Secure Transactions
Delivery Options
Please enter pincode to check delivery time.
*COD & Shipping Charges may apply on certain items.
Review final details at checkout.
downArrow

Details

LOOKING TO PLACE A BULK ORDER?CLICK HERE