Salat at Iba Pang Kuwento ng mga Pagkapa sa Dilim
Filipino; Pilipino

About The Book

Pinagtitipon ng koleksiyong Salat at Iba Pang Kuwento ng mga Pagkapa sa Dilim ang limang maikling kuwentong kumapa at bumuo ng akdang humango ng dilim at liwanag sa mga personal na naratibo ng mga kasama sa loob ng komunidad ng LGBTQIA+ partikular na sa mga bakla bilang lunsaran ng kamalayan sa diskriminasyon at karahasang kinahaharap ng mga effeminate gay sa porma ng pagsalat habang sumasalat din ng liwanag sa pagpoposisyon ng sarili sa lipunan. Sa paggamit sa magkakaibang anyo ng piksiyon tulad ng romansa erotika reyalismo at eksperimental ay nakapaghatid ng mga kuwento ng pagbawi paggiit pagbabalik at paglaya bilang manipestasyon ng matagumpay na pagbalikwas sa mahabang panahong pag-iral ng panliligalig at pagiging biktima ng mga karakter sa mga kuwentong LGBTQIA+.

Sa pamamagitan ng pananaliksik sa magkakaibang hanay na kinapapalooban ng mga effeminate gay pagsali sa mga kolektib na nakatuon sa pinapaksang komunidad at personal o kaswal na pakikipag-usap sa mga kagaya ring fem gay napatunayang masalimuot ang buhay ng isang bakla at totoong kalimitang biktima rito ang mga effeminate gay. Itinatakda ng macho-pyudalismong lipunan ang dominasyon ng heteroseksismo at homopobikong kamalayan na hindi sila dapat gumawa ng mga aksyong lihis sa karaniwang nosyon ng pagkalalaki. Nilansag ng mga akda ang mababaw na pagtingin sa kasarian at lantarang paniniil sa mga fem at queer.

Ang himutok ng mga bakla sa nakaraan ay himutok pa rin naman ng mga bakla sa kasalukuyan kaya krusiyal na makabuo ng mga akdang humaharaya pumapalag sa sexual ghettoziation at nakapag-aambag sa lalong pangangailangan ng progresibo o transgresibong panitikang bakla.

Piracy-free
Piracy-free
Assured Quality
Assured Quality
Secure Transactions
Secure Transactions
Delivery Options
Please enter pincode to check delivery time.
*COD & Shipping Charges may apply on certain items.
Review final details at checkout.
downArrow

Details

LOOKING TO PLACE A BULK ORDER?CLICK HERE