Para sa taong mahal ko sana patuloy kang maging masaya At kahit sa piling ng iba ‘di ako magsasawang sumuporta sayo. Para sa taong niloko ako maraming salamat. Sa wakas ako ay natuto. Huwag kang mag-alala; hindi masama ang loob ko salamat dahil ‘di na ako muling magpapauto. Para sa taong nang-iwan panigurado ikaw ay may dahilan. Sana man lang ako ay iyong binalaan at baka sakali ito ay aking napaghandaan. Para sa taong naiwan alam ko ang iyong nararamdaman ‘yan din ay aking naranasan marami pang ibang darating ito’y iyong tandaan. Para sa taong nagmamahal at sa taong naghahanap ng pagmamahal. Para sa taong pilit lumilimot sa kanyang nakaraang puno ng poot para sa taong patuloy na nasasaktan kapit lang; ito rin ay iyong malalampasan. Huwag kang susuko narito ako karamay mo. At sa pamamagitan ng mga tulang ito puso’t damdamin niyo ay sana’y maantig ko Lahat ng mga isinulat dito lamang maisisiwalat.
Piracy-free
Assured Quality
Secure Transactions
Delivery Options
Please enter pincode to check delivery time.
*COD & Shipping Charges may apply on certain items.